Kap Joel - Head Barista, Qatar

Hi! I'm Joel Crispino, Kap Joel for short, from Cainta Rizal . Share ko lang yung journey ko as barista. 15 years narin ako sa coffee industry, nagsimula rin sa isang commercial coffee shop as captain waiter/barista. Dito ko nakilala si sir Raoul de Peralta as our trainor, hindi lang sa coffee, pati narin sa customer service. Mahaba haba narin ang pnagsamahan namin ni Sir Raoul. Sa 2012 na encourage ako ni Sir Raoul to enroll at William Anglis Institute, dahil dun natry ko din magturo sa Coffee Academy sa Center for Culinary Arts, Quezon City.

Sa 2014 again, Sir Raoul invited me to join the biggest Australian specialty coffee chain, Toby's Estate Coffee Roasters, he is our General Manager, Instructor and coffee Batman 😁😁. Akala ko hanggang dun nalang ang knowledge ko sa kape, malaman ang history, makapag pull and shot ng espresso, maglagay ng whip cream sa blended drinks.

Malawak pala ang siyensya ng kape, sa tulong ni Sir Raoul, unti unti kung naiintindihan kung ano meron behind the cup, ano ang origin ,paano mag shot ng perfect espresso, maraming aral. Hate ko ang math, akala ko, kaya ako nag barista kasi coffee lang yan. Hindi pala.  Kailangan mo mag compute para makuha ang perfect cup of coffee. Lahat yun naituro ni Sir Raoul, iba't ibang klase ng parameters at brewing techniques. Everytime na umaattend ako sa  class ni Sir Raoul, lagi ako na excite, laging may bago sa pandinig ko.

Kay Sir Raoul ako nadevelop ng husto yung skilsl ko as barista, especially latte art. Syimpre start muna sa heart pattern hehe! Marunong narin ako nun pero lagi ko nababasag ang crema. Itinuro saken ni Sir raoul ang technique, hanggang sa matutunan ko na ibat ibang pattern. Syempre as Senior Barista, na share ko rin yung knowlegde ko sa mga bago. Sa ngayon dito ako nag work sa Qatar as Head Barista, at baon ko lahat ng natutunan ko kay Sir Raoul. Proud ako na produkto ako ni Sir Raoul de Peralta.